Isang Gabi


Written by Clementine & Mcoy Fundales | Music by Clementine

Isang gabi pa lamang tayong nagkakasama
Isang gabi, ngunit para bang kay rami ng buwan ang nakalipas
Isang halik mo lamang sa mga labi kong sabik
Isang halik, sapat na para mahuli ko ang ‘yong kiliti

Sa pag-uwi hindi pa rin malimot
Ang iyong mga ngiti
Hindi na makatulog
Parang kaluluwang ‘di matahimik
Naghihintay ng bukas

Dahil sa isang gabing kapiling ka
Ako ngayo’y naiinip sa’ting muling pagkikita
Dahil sa isang gabing kapiling ka
Ako ngayo’y naiinip sa’ting muling pagkikita

Isang mukha na buhay sa aking alaala
Isang paglimot na di ko magagawa
Isang kahapon na para bang isang panaginip
Isang kahapon, sana’y maulit muli

Sa pag-uwi hindi pa rin malimot
Ang iyong mga ngiti
Hindi na makatulog
Parang kaluluwang ‘di matahimik
Naghihintay ng bukas

Dahil sa isang gabing kapiling ka
Ako ngayo’y naiinip sa’ting muling pagkikita
Dahil sa isang gabing kapiling ka
Ako ngayo’y naiinip sa’ting muling pagkikita