Lihim


Written by Clementine & Mcoy Fundales | Music by Clementine

Di na malilimutan pa
Sa bawat sandaling ako’y iyong hagkan
Ang yong mga halik

Sana’y huwag nang matapos pa
Aking nadarama sa tuwing kapiling ka
Ako’y nasasabik

Sa’yo lamang ilalaan
Ang isang ligayang walang hanggan
Kahit pa nagsasalo tayo
Sa isang kasalanan

Bihag tayo ng panahon
At pagkakataong puno ng pangambang
Ika’y mawalay pa

Sana’y wag nang matapos pa
Aking nadarama sa tuwing kapiling ka
Ako’y nasasabik

Sa’yo lamang ilalaan
Ang isang ligayang walang hanggan
Kahit pa nagsasalo tayo
Sa isang kasalanan

‘Di na mahalaga
Ang sasabihin nila
Basta’t may pag-ibig
Sa ating dalawa…

Sa’yo lamang ilalaan
Ang isang pagsuyong walng hanggan
Kahit na nagsasama tayo sa isang kasalanan
Kasalanan…